Gusto kong maranasang kumain sa 50's Diner dahil sa nakikita ko sa mga blogs na nababasa ko, malalaki ang servings nila dito ;)
At nakita namin ang dagdag atraksyon sa kainang ito:
Feel na feel naman ng aming bunso ;)
Ngunit tumambad din sa aming ang nakapanlulumong tagpo...
Hindi po ito pila ng mga pasaherong naghihintay ng kanilang bus, ito po ay ang mga taong naghihintay at nag-aasam na sana may parokyano ng matapos kumain.
Sa dami ng tao ay nasa labas na kumukuha ng order ang kanilang order taker.
Mukhang hindi maganda ang pagkakataon...
Niyaya ko silang maglakad ng walang patutunguhan, "Bahala na si Batman", ang sabi ng isip ko.
At ako ay biglang nagulat, Huwaaaat...?! Nakita ko ang kanyang logo:
Sa totoo lang wala akong balak kumain dito dahil sa may nabasa akong feedback na mahal daw dito. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko alam kung saan ito, ang tanging alam ko ay isa itong Chinese Restaurant. Hindi ko nga alam na Steakhouse ito, ngayon lang. At sa pagkakataong gusto mo ng kumain, wala kang ibang maiisip kundi ang kumain kung saan ka hindi maghihintay ng ubod tagal.
Nagandahan ako sa kanilang menu.
Maganda ang ambiance dito. Bukas ang kanilang mga bintana at ang nagbibigay lamig dito ay ang natural na lamig ng Baguio City.
Atentibo ang kanilang mga waiter at maasikaso. Paano ko nasabi? Dahil sa hindi ako preparado sa pagkain dito, hindi ko alam ang io-order... hehehe! Napansin ng waiter iyon at agad na nagbanggit ng mga sikat nilang putahe. Paumanhin po, hindi ko po natandaan lahat.
Ang natatandaan ko lang ay pareho kame ni Chad na rice toppings at si Mama ang American steak.
May kasama pa itong rice:
Sa totoo lang.... MASARAP LAHAT!!!
Nagustuhan ko lahat ng nakahain. Syempre lahat tinikman ko lahat.
Lalo na ang gulay, ang lutong, manamis-namis halatang sariwa.
Nakakagulat na hindi kami nangailangan ng extra rice pero busog kame.
Sa drinks naman, si Chad ang order ay Strawberry shake, ako ay watermelon shake at si Mama ay tubig. Hehehe! Abuso na daw s'ya dahil sa kanya 'yung pinakamahal.
Hindi man kami natuloy sa 50's Diner eh masaya naman kame at umalis na busog na busog sa Rose Bowl. Sa susunod na pagbisita ko ng Baguio City ay siguradong babalik ako dito ;)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento