I love this Te Quiero menu. I find it sexy.
Ang seksi ng dating n'ya, infairness.
Te Quiero Tapas Bar and Restaurant is located between Microtel Inn and Victory Liner Bus Terminal.
Nasa Victory Liner Bus na kami 2hours before our departure. Hindi dahil excited kaming umuwi, ayaw pa nga naming umuwi eh, pero dahil sa K.J. na ulan eh nagpahatid na kami sa Taxi papunta dito.
Niyaya ko silang mag-meryenda sa Te Quiero. And I warned them before we enter, with a hush voice "Mahal dito ah....".
Dalawa ang salitang magde-describe sa nararamdaman ko, excitement at nervousness. Excitement for the experience and the food, feeling nervous because I know it will leave me crying because I know it cost much.
Kasalakuyang nagko-cover ang isang reporter ng Channel 7 sa tapat nito kaya hindi kami doon dumaan. Pagpasok pa lang namin, amoy mahal na. ^_^
Ang ganda sa loob, mukhang class.
Chad making funny face
Ang taray ng comment card
Pinili namin 'yung non-smoking area kung saan kitang-kita sa baba ang Victory Liner Bus terminal
At dumating na ang order naming inumin:
Chocolate shake para kay Chad
Cappuccino naman sa akin.
Ngayon ko lang nalaman na hindi ko pala nakunan 'yung brewed coffee ni Mama.At dumating na ang order namin ni Mama:
Club Sandwich De Microtel
At ang kay Chad:
Sorry I forgot the name
Hati kami ni Mama sa club sandwich pero tinikman ko din 'yung order ni Chad. Masarap, pero dahil wala ako sa mood kumain ng kanin ay nilantakan ko ang club sandwich.
Parang magic, hati kami ni Mama pero nabusog ako. May isa lang akong naging problema.....ang pagkasyahin ang sandwich sa bibig ko ^_^
Masarap 'yung kape, pero mas pumatok sa panlasa ko 'yung chocolate shake na in-order ni Chad.
Super trip ko 'yung sandwich.
Kung quality lang, hindi s'ya talaga mahal.
Kaya super eagerness akong mag-fill up ng kanilang Comment Card.
Definitely I will be going back here.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento