NuffnangX

Linggo, Pebrero 10, 2013

Status: Single

Napanuod ko ang replay ng "Status: Single" sa Channel 11 kahapon.

Natawa 'ko ng maalala kong ipinagdamot ng kapatid kong bunso na mapanuod ko 'to.
The reason? He don't want me to be inspired by the single ladies out there to be single...forever!
I find it funny and I was touched at the same time.
He said he don't want me to be lonely and grow old alone ;)

Naalala ko ang interview kay Ms. Liza (nalimutan ko ang apelyido), ang sabi n'ya "It's better to be single forever, than to marry someone who will make you miserable" (hope I got that correct).

May point 'di ba?

Sabi nila, main reason bakit dumadami na ang mga single ladies out there kahit na masasabing medyo huli na sila sa byahe eh dahil sa matagumpay na sila sa kanilang mga karera.

Sabi ng isang nakapanayam, ang isang babaeng walang asawa eh nalulungkot lang dahil sa hindi pa nila nae-enjoy ang buhay nila. Like, they didn't live their life to the fullest and didn't experience those beautiful things life has to offer.
Kitang-kita ko ang punto n'ya. ;)

Sabi ng mga dalubhasa, maraming mga babae sa ngayon lalo na ang mga matagumpay na sa buhay eh naniniwalang 'di na nila kailangan ng lalake sa buhay dahil kaya naman nilang mabuhay ng wala ang mga ito.
Pero nananatili pa rin ang pangangailan ng isang anak na magbibigay ng saya at inspirasyon sa kanila.

Batay naman sa istatistika, iba ang saya ng isang babaeng single at isang babaeng may sarili ng pamilya.
Pareho man silang masaya pero iba ang fulfillment ng isang babaeng may asawa at anak.

Ang lahat ng babaeng nakapanayam eh pinili nila ang maging single, pero... umaasam na makita ng lalakeng makakasama nila sa habambuhay.

Hmmmm...ano sa palagay n'yo?

To be single or not to be single? ;)


Yours,
Poclay

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento