NuffnangX

Linggo, Pebrero 17, 2013

Movie: Warm Bodies

Naisipan na naman naming ng aking mudra/bestfriend na mag-malling at manuod ng sine nung Sabado.

At ang super inaabangan kong  pelikula ay napanuod ko na...Warm Bodies.


Isa s'yang zombie na nag-iisip, nagtatanong kung sino s'ya ano sila dati, bakit sila nandon, anong hinihintay nila.
S'ya ang zombie na nakikipagkaibigan. At ang pangalan ng bestfriend n'ya ay si Marcus (nalaman namin ang pangalan bago matapos ang pelikula). It's kinda funny how they communicate. Umuungol lang sila at 'yun na, nagkakaintindihan na sila.
Ang istorya nila ng bidang babae, na si Julie, ng lumabas sila ng airport para humanap ng makakain at dun nagkatagpo ang kanilang mga landas.
Hindi s'ya ang tipo na kumakain ng basta-basta, ang kinakain n'ya ay ang utak. Kapag kinakain n'ya ang utak nakikita n'ya ang laman ng isip ng biktima. Na nagkataon naman na ang boyfriend ni Julie ang nakuhanan n'ya ng utak.
Ang suma, hindi n'ya kinain si Julie, iniligtas at isinama n'ya sa airport si Julie.
Gumawa ng excuses para lang mag-stay ang babae.
Ilang beses s'yang tinakasan ni Julie pero lagi n'yang inililigtas tuwing nasa panganib na mabiktima ng kapwa n'ya mga zombie.
Isang araw na nag-road trip sila matapos na magkaroon ng iringan sa mga zombie dahil ayaw n'yang kainin si Julie at pumunta sa dating bahay nila Julie, nakatulog s'ya. Isang bagay na 'di katangian ng isang zombie, ang managinip.
'Pag gising n'ya wala na si Julie.

He went back to the airport sad looking... Gusto ko s'yang i-hug at i-comfort sa scene na 'to.

Nakasalubong n'ya ang mga friends n'yang zombie na tulad n'ya ay nagkaroon ng pintig ang puso ng makitang magkahawak sila. 'Di sila tulad ng mga bonnies (sana nakuha ko ng tama). Nagkaisa silang puntahan si Julie at tulungan si "R" (pangalang bigay ni Julie  dahil 'di n'ya maalala ang pangalan n'ya) na makasama si Julie at upang matulungan silang maging tao ulit.

Nagkaroon ng aksyon, barilan at syempre umaatikabong habulan tao laban sa mga zombie, zombie laban sa mga bonnies. Tinulungan ng mga zombie ang mga tao na labanan ang mga zombie. Isang paraan na rin para mapatunayang nagbabago na ang mga zombie at may pag-asang maging tao ulit.

Pinakagusto kong tagpo ay ng wala na silang magagawa kundi ang tumalon mula sa tuktok ng baseball field para 'di makain ng mga bonnies. 'Yung scene na maganda ang sikat ng araw sa labas, as in blue sky, tapos tumalon sila na si "R" ang nasa ilalim at pinaibabaw n'ya si Julie para 'di masaktan. Bumulusok sila pababa sa man-made pond sa baba.
Sabay dating naman ng tatay ni Julie kasama ang mga sundalo, pinilit n'yang muling ipaalam na nagbabago na ang mga zombie pero 'di nakinig at ng makita nilang dumugo ang dibdib ni "R" mula sa tama ng baril dun lang sila nakumbinsi.

Muling nagkasama ang mga zombie at ang tao, at tinulungan at tinuruan na muling maging tao. Dahil sa wala ng makain ang mga bonnies, nalipol ang mga ito.

Si "R" hindi na n'ya inalala pa kung sino ang dating s'ya at pinili na lamang ang pangalan bigay ni Julie sa kanya.

Ang pinaka-kakilig na mga linya ni "R" ay:
1. Keep you safe
2. We stick together no matter what, promise.

Gooooooshh....! Super Kilig ako...!
Hanggang pag-uwi ng bahay 'di naalis ang smile ko, lalo na 'pag naalala ang mga tagpong napanuod ko.

Ang nakaka-inlove sa zombie na ito ay ang mga sumusunod:
1. Handa s'yang magbago for the better para sa kanila
2. Handa s'yang ipagtanggol si Julie
3. Handa s'yang humarap sa tatay ni Julie kahit na sagana ito sa armas
4. Lagi niyang iniisip ang kaligtasan ni Julie
5. Matangakad s'ya ;)
6. Hot na zombie ;)

Love ko na s'ya.... Gusto ko ng isang "R" ;)
 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento