NuffnangX

Linggo, Pebrero 17, 2013

Mongolian Quick Stop

Bago kami nanood ng sine naisipan naming kumain muna ni  Mama nung Sabado sa Festival Supermall.

Lagi kaming nadaan ni Mama sa Mongolian Quick Stop. Wala lang kaming lakas ng loob na sumubok kumain kasi...'di namin alam pa'no mamili ng mga ingredients (Hehehe!)
Natakot na kaming sumubok, nagka-phobia kami dahil sa Hong Kong Noodles.

Namilog ang mga mata namin kasi nakita namin puro gulay, 'di naman kami vegetarian pero more on gulay kami.

 


At dahil sa gusto talaga naming subukan at bilang preparation na rin sa aming bakasyon ngayong summer, kinalabit ko si kuya (I'm sorry I didn't get his name).

"Kuya, kapag po ba umorder kami nitong set meal kami po pipili ng mga ingredients?" ang tapang-tapangan kong tanong sa kanya.

"Ah hindi, iba po 'yung tinutukoy n'yo. Bakit hindi n'yo po i-try 'yung ganun Ma'am".

"Eh pa'no po 'yun kuya, 'di kami marunong..." wahahah!

"OK lang po ia-assist ko kayo, ako ang bahala, sabihin n'yo lang kung ayaw n'yo ng ilalagay ko at aalisin natin."

Nagkaron kame ng lakas ng loob. Geez! Jahe 'di ba?

Wala naman kaming nahindian ni Mama, lahat gusto namin, hehehe! Pero hindi n'ya nilagyan ng sili na OK sa amin.
Sweet and spicy 'yung sauce na pinalagay namin pero sabi namin 'wag masyadong maanghang.

At dumating na ang aming order...

 

Grabe...mouthwatering. At ang sarap ng amoy. Kitang-kita na maraming gulay.
At anong reaction ng aking mudra pagbaba ng aming order?

 

Hehehe! Ayan, lafang agad.

Masarap 'yung sauce, hindi masyadong maanghang, tama  lang. Masarap 'yung pagkatamis at malasa din 'yung nilagay na mani.

Masarap lalo na puro gulay. Maraming sahog 'di ba?

Nang nangangalahati na ang aming foodie, pareho kami ng naging problema, "Kaya ko ba 'tong ubusin?"
Kalahati pa lang, dumighay na 'ko. At pareho kaming parang pinapawisan na 'di namin maintindihan,
na sensyales na busog na kami. Parang 'yung isang bowl eh para sa dalawang tao.

Isa ang naging reaksyon namin, ang humigop ng sabaw para mawala 'yung umay.
Isa din ang naging pakiramdam namin, parang nawala 'yung pagkabusog namin. Parang ready na ulit kame sa laban.

At nakakatawang kahit busog na ang tyan ko pero 'yung bibig ko gusto pa ding kumain.
Kaya talagang nasimot ko lahat ng nasa bowl ko ;)
'Di naman masyadong matakaw 'di ba?

Nakaugalian ko ng 'wag uminom habang kumakain lalo na gusto kong maraming makain. Nabubusog kasi kaagad kapag uminom. Kaya matapos kong kumain naisip kong baka bumigay na 'yung tyan ko kapag uminom ako.
Pero ng uminom na ako ng order naming iced tea, parang bumaba lahat ng kinain ko.
Parang kakaiba din 'yung lasa ng tea na ginamit. Sabi ni Mama baka daw hindi 'yung tinitimplang juice drink 'yung kundi totoong tsaa. Masarap 'yung iced tea nila, kaya tama pala na 'di kami nag-softdrinks.

Magandang service galing kay kuya, masarap na pagkain, maraming gulay, nakakabusog, masarap na inumin, ano pa nga ba ang masasabi ko?
Kuya.....babalik kami dito....!



Buti na lang sinubukan namin, kundi hindi namin malalaman na ang P155 pala ay pwede ng pang-dalawang tao.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento