NuffnangX

Huwebes, Pebrero 7, 2013

Pagbabago, Panimula

Dati, gusto kong maging manunulat o kaya ay reporter. Hindi ko  natupad dahil sa pagsunod sa kagustuhan ng aking tatay na kumuha ng Degree sa Computer Science.

May mga nagawa na kong blog dati, pero hanggang umpisa lang.
Madali akong naapektuhan ng mga bagay-bagay kaya madalas na mawalan ako ng ganang sumulat.

Hindi ko napagyaman ang mga dati ay alam kong talentong meron ako.

Nawala ang pagiging palabiro at palatawa ko simula ng maharap na ko sa tunay na buhay, na nagsimula ng magkaron ako ng trabaho.

Masyado akong seryoso sa sinasabi niyang OBLIGASYON ko bilang anak, kaya ang buhay ko ay  nawalang kulay.

Matapos ang ilang taong pagiging BORING at kimi, naisip kong bakit ko sinasayang ang buhay ko sa pagiging seryoso at walang buhay?

Bakit kailangan ma-pressure ako ng mga tao sa paligid ko kung pwede naman akong maging masaya?

Kailangan kong maging masaya at may buhay sa gitna mga suliranin sa buhay.
'Di lang naman ako ang namomroblema 'di ba? Kaya kahit gaano kabigat at kahirap at kasakit ang mga nangyayari, GO! GO! GO! ;

I've started to think about it before 2012 ends.

Kaya sinalubong ko ang 2013 ng hindi tradisyunal at nagpaalam sa 2012 ng masaya ng bonggang-bongga!
Kasama ko sa masayang gabi hanggang umagang iyon sa piling ng pinakaimportanteng babae sa buhay ko, si Mama.

Gusto kong ilathala lahat ng mga pagbabagong nangyayari sa buhay ng isang dating BORING na matandang dalaga ;)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento